19, bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland nitong Abril 22; lahat, galing sa labas ng bansa

2021-04-23 15:53:12  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos mula sa Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 19 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland nitong Huwebes, Abril 22, 2021.

 

Lahat ng mga ito ang galing sa labas ng bansa.
 

Hanggang magha-hating gabi ng Abril 23, ang kabuuang bilang ng umiiral na kumpirmadong kaso sa Chinese mainland ay 306.
 

Samantala, 4,636 ang kabuuang bilang ng mga pumanaw.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Mac

Please select the login method