Sa video meeting na idinaos Abril 21, 2021, ng Executive Committee ng International Olympic Games (IOC), ipinahayag nina Seiko Hashimoto, Pangulo ng Tokyo 2020 Organizing Committee at Muto Toshiro, CEO ng komiteng ito, na pumasok na ang Hapon sa pinakahuling yugto ng paghahanda para sa Olympic games.
Sinabi nila na ang hakbangin ng pagkontrol sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ay pinakamahalagang gawain, at tiyak na magsisikap hangga’t makakaya ang Hapon para idaos ang matagumpay at ligtas na Olimpiyada.
Samantala, ipinahayag ni Thomas Bach, tagapangulo ng IOC, na isinusulat na ang ikalawang bersyon na Guidance for COVID-19 Prevention, na isasapubliko bago ang Mayo, 2021.
Natapos na ang torch relay ng Tokyo Olympics, at positibo ang reaksyon ng mga mamamayan kaugnay nito, ayon sa Tokyo 2020 Organizing Committee.
Pero, nakakaranas ngayon ang Hapon ng ikaapat na wave na COVID-19. Ipinatalastas Abril 12, ni Yoshihide Suga, Punong Ministro ng Hapon, na inaasahang idedeklara ang pangkagipitang kalagayan sa tatlong lugar na grabeng apektado ng COVID-19 na kinabibilangan ng Osaka Prefecture, Tokyo Prefecture at Hyogo Prefecture.
Salin:Sarah
Pulido:Mac