Pagtatatag ng komunidad ng buhay ng sangkatauhan at kalikasan, iniharap sa unang pagkakataon ng Pangulong Tsino

2021-04-23 14:46:33  CMG
Share with:

Nitong Miyerkules, Abril 22, 2021 ay araw ng ika-5 anibersaryo ng paglagda sa “Paris Agreement.”

Pagtatatag ng komunidad ng buhay ng sangkatauhan at kalikasan, iniharap sa unang pagkakataon ng Pangulong Tsino_fororder_20210423Summit560

Sa kanyang virtual speech nang araw ring iyon sa Leaders Summit on Climate, malinaw na iniharap sa kauna-unahang pagkakataon, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang planong Tsino na “magkakasamang pagtatatag ng komunidad ng buhay ng sangkatauhan at kalikasan para harapin ang krisis ng klima.

 

Bago ang nasabing summit, magkakasunod na dumalo ang pangulong Tsino sa United Nations (UN) Summit on Biodiversity, G20 Riyadh summit, Climate Ambition Summit, at iba pang mga mahalang pulong kung saan iniharap niya ang mga mungkahi at hakbanging Tsino.

 

Lalong lalo na, ipinatalastas sa pangkalahatang asemblea ng UN na nagsisikap ang Tsina para maisakatuparan ang pag-abot sa peak ng pagbuga ng karbon bago ang taong 2030, at carbon neutrality bago ang taong 2060.

 

Unibersal na ipinalalagay ng komunidad ng daigdig na ang nasabing nagawang mahalagang pangako ay nagpapakita ng aktibong pagsasabalikat ng panig Tsino ng mahalagang responsibilidad.

 

Paano magkakasamang maitatatag ang komunidad ng buhay ng sangkatauhan at kalikasan? Sa kanyang talumpati, tinukoy ni pangulong Xi na dapat isagawa ang “6 na paggigiit” na kinabibilangan ng paggigiit ng maharmoniyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan, paggigiit ng berdeng pag-unlad, paggigiit ng sistematikong pagsasaayos, paggigiit ng pagpapauna ng tao, paggigiit ng multilateralismo, at paggigiit ng prinsipyong magkapareho at may nagkakaibang responsibilidad.

 

Ang berdeng pag-unlad ay dapat maging pundamental na polisya. Sa Leaders Summit on Climate, tinukoy ni Xi na ang pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ay pangangalaga sa kakayahang produktibo, at ang pagpapabuti ng kapaligirang ekolohikal ay pagpapalakas ng kakayahang produktibo. Ito aniya ay hayag na katotohanan.

 

Maraming beses na ipinagdiinan ni Xi ang sa harap ng hamong dulot ng krisis ng kapaligirang pandaidig, dapat itatag ng iba’t-ibang bansa ang komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran. Aniya, ang multilateralismo ay di-maiiwasang landas.

 

Ipinahayag pa ni Xi na winiwelkam ng panig Tsino ang pagbalik sa proseso ng multilateral na pagsasaayos sa klima. Inaasahan aniya ng Tsina na magsikap kasama ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng Amerika, para magkakasamang mapasulong ang pagsasaayos sa kapaligirang pandaigdig.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method