UNSC sa lahat ng bansa: buong lakas na pigilan ang terorismo

2021-04-25 15:09:35  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng “pinakamatinding pananalita,” binatikos ng United Nations Security Council (UNSC), ang insidente ng teroristikong pag-atakeng naganap Abril 21, 2021, sa Pakistan, at ipinahayag ang pakikiramay at pakikidalamhati sa mga kamak-anakan ng mga biktima at pamahalaan ng Pakistan.

 

Sa pahayag na inilabas sa media, binigyan-diin ng UNSC na dapat parusahan, ayon sa batas ang mga may-kagagawan at tagasuporta ng naturang teroristikong pag-atake.  

 

Hinimok din sa pahayag ang lahat na bansa na aktibong makipagkooperasyon sa Pakistan at iba pang kinauukulang panig, ayon sa obiligasyon na itinakda ng pandaigdigang batas at kinauukulang resolusyon ng UNSC.

 

Inulit sa pahayag na ang anumang porma na terorismo ay isa sa mga pinakamalubhang banta sa kapayapaan at kaligtasan ng daigdig, at dapat buong lakas na pigilan ng lahat ng bansa ang kapinsalaang dulot nito.

UNSC sa lahat ng bansa: buong lakas na pigilan ang terorismo_fororder_UN

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method