Idinaos Pebrero 2, 2021 (Eastern Standard Time, EST) ang closed-door virtual meeting ng United Nations (UN) Security Council tungkol sa kasalukuyang situwasyon ng Myanmar.
Ayon sa pahayag ni Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng UN nitong Pebrero 1, mariing kinokondena ng UN ang pagkaditene kina State Counsellor Aung San Suu Kyi, Pangulong Win Myint, at ilan pang mataas na opisyal ng National League for Democracy (NLD) ng Myanmar. Aniya ito ay grabeng atake sa demokratikong reporma ng Myanmar.
Ipinahayag naman ni Stéphane Dujarric, Tagapagsalita ng Pangkalahatang Kalihim ng UN, na kasalukuyang mahigpit na sinusubaybayan ng mga tauhan ng UN sa Myanmar ang situwasyon para maigarantiyang hindi ito magdudulot ng masamang epekto sa mga mahinang populasyon ng Myanmar sa kalagayan ng pagkalat ng pandemiya ng COVID-19.
Salin: Lito
Pulido: Rhio