Dumating Abril 24, 2021 sa Damascus, kabisera ng Syria, ang bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na gawa ng Sinopharm ng Tsina.
Sa seremonya ng pagsalubong sa paliparan, pinasalamatan ni Hassan Mohammad Ghabbash, Ministro ng Kalusugan ng bansa, ang tulong ng Tsina.
Aniya, pagkaraan ng pagsubok sa buong daigdig, lubos na kumpirmadong ligtas at mabisa ang bakunang gawa ng Sinopharm ng Tsina.
Ang ang mga bakunang galing sa Tsina ay makakatulong sa paggarantiya ng inokulasyon ng mga mamamayan ng Syria, dagdag pa ng opisyal.
Kalahok din sa seremonya ni Feng Biao, Embahador ng Tsina sa Syria.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio