Sa magkahiwalay na okasyon, idinaos kamakailan sa Beijing at Cairo ng mga kinatawan ng Sinovac ng Tsina at VACSERA ng Ehipto ang seremonya ng paglalagda sa kasunduang pangkooperasyon tungkol sa pagpoprodyus ng bakuna ng Sinovac sa Ehipto.
Sa pamamagitan ng video link, magkahiwalay na sinaksihan nina Mostafa Kamal Madbouly, Punong Ministro ng Ehipto, at Liao Liqiang, Embahador ng Tsina sa Ehipto, ang seremonya ng paglalagda.
Sa ngalan ng pamahalaan ng Ehipto, ipinaabot ni Madbouly ang pasasalamat sa ibinibigay na suporta ng Tsina sa Ehipto at mga umuunlad na bansa sa pakikibaka laban sa pandemiya.
Lubos din niyang pinapurihan ang isinasagawang pragmatikong kooperasyon ng Tsina at Ehipto sa iba’t-ibang larangan nitong ilang taong nakalipas.
Salin: Lito
Pulido: Mac
Pangulo ng Zimbabwe, binakunahan ng ika-2 Sinovac vaccine shot
Karagdagang 500,000 dosis ng bakuna ng Sinovac, dumating na ng Pilipinas
500,000 karagdagang bakunang gawa ng Sinovac, dumating ng Maynila
Dumating na! 1 milyong dosis ng bakuna kontra COVID-19 na binili ng Pilipinas mula sa Tsina
Unang pangkat ng Sinovac vaccine kontra COVID-19, ipinadala sa El Salvador