Mensaheng pambati, ipinadala ni Wang Yi kay Saleumxay Kommasith kaugnay ng ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Laos

2021-04-26 15:03:35  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala nitong Linggo, Abril 25, 2021 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina kay Saleumxay Kommasith, Ministrong Panlabas ng Laos bilang pagbati sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Sinabi ni Wang na nitong 60 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Laos, tumahak sa di-pangkaraniwang landas ang ugnayan ng dalawang bansa.

 

Patuloy aniyang tumitibay ang tradisyonal na pagkakaibigan, at kapansin-pansin ang natamong bunga ng pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Saleumxay Kommasith para makapagbigay ng mas malaking ambag para sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalarang Sino-Lao.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method