Lider ng Tsina at Laos, nagpahayag ng pagbati sa Ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa

2021-04-26 15:02:01  CMG
Share with:

Ipinadala nitong Linggo, Abril 25, 2021 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Thongloun Sisoulith ng Laos ang mensahe sa isa’t-isa bilang pagbati sa ika-60 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.

 

Tinukoy ni Pangulong Xi na nitong 60 taong nakalipas, sapul nang maitatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Laos, nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayang ng dalawang bansa, at nakakapagbigay ng positibong ambag sa pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan ang matapat na pagpapalagayan, at paggigiit at pagsasagawa ng limang simulain ng mapayapang pakikipamuhayan.

 

Diin pa ni Xi, lubos niyang pinahahalagahan ang pagpapaunlad ng relasyon sa Laos.

 

Nakahanda aniya siyang magsikap kasama ni Thongloun Sisoulith para walang humpay na mapasulong ang konstruksyon ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Laos sa loob ng susunod na 60 taon.

 

Samantala, ipinahayag ni Thongloun Sisoulith ang pasasalamat sa ibinibigay na mahalagang tulong at suporta ng Tsina sa Laos sa usapin ng pakikibaka laban sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), at pagpapasulong ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan.

 

Nakahanda aniya ang Laos na magsikap kasama ng Tsina para mapalalim ang komprehensibo’t estratehikong kooperasyon, mapalawak ang mapagkaibigang pagpapalitan sa iba’t-ibang larangan, at mapasulong ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kapalaran ng dalawang bansa.

 

Maliban dito, nagpadala rin ng mensahe sa isa’t-isa nang araw ring iyon sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Punong Ministro Phankham Viphavan ng Laos bilang pagbati sa nasabing okasyon.

 

Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method