Pinalayas kamakailan ng Amerika ang 10 diplomata ng Rusya. Kasabay nito, ilan pang diplomatang Ruso ang pinalayas din ng ilang bansang Europeo.
Bilang tugon, isinagawa ng Rusya ang kinakailangang hakbangin.
Kaugnay nito, ipinahayag Abril 26, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na tinututulan ng Tsina ang nasabing unilateral na sangsyon, at ito ay maliwanag na hegemonismo.
Ani Wang, sa mula’t mula pa’y, naninindigan ang Tsina sa maayos na paglutas ng mga pagkakaiba sa pamamagitan ng diyalogo.
Bilang komprehensibong estratehikong partner sa bagong panahon, patuloy na tututukan at susuportahan ng Tsina ang Rusya alinsunod sa pagsasanggalang ng kaligtasan ng soberanya at pagsusulong ng pag-unlad ng kapuwa bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio