Mensaheng pambati, magkahiwalay na ipinadala ni Xi at Putin sa ika-9 na pulong ng mekanismong pandiyalogo sa pagitan ng naghaharing partido

2021-04-21 10:40:37  CMG
Share with:

Mensaheng pambati, magkahiwalay na ipinadala ni Xi at Putin sa ika-9 na pulong ng mekanismong pandiyalogo sa pagitan ng naghaharing partido_fororder_20210421Rusya550

Magkahiwalay na ipinadala Martes, Abril 20, 2021 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang mensaheng pambati sa ika-9 na pulong ng mekanismong pandiyalogo sa pagitan ng naghaharing partido ng Tsina at Rusya.

 

Sa mensahe, ipinaabot ni Xi ang mainit na pagbati sa pagdaraos ng nasabing pulong.

 

Aniya, ang kasalukuyang taon ay hindi lamang ika-20 anibersaryo ng pagkakalagda sa Treaty of Good-neighborliness and Friendly Cooperation ng Tsina at Rusya, kundi ika-20 anibersaryo rin ng pagkakatatag ng relasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at United Russia Party.

 

Ani Xi, nitong 20 taong nakalipas, isinasagawa ng Tsina at Rusya ang mahigpit na komprehensibo’t estratehikong pagtutulungan, bagay na humubog sa modelo ng relasyon ng mga malalaking bansa sa kasalukuyang daigdig.

 

Dagdag pa niya, ang pagkakaroon ng regular na pagpapalagayan ng dalawang partido ay malakas na nakakapagpatibay sa pagtitiwalaang estratehiko at pulitikal, at nakakapagpasulong sa komprehensibong kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang panig.

 

Sa kanya namang mensahe, ipinahayag ni Putin na palagiang mahalagang bahagi ng komprehensibo’t estratehikong partnership ang diyalogo sa pagitan ng dalawang partido.

 

Ani Putin, inaasahan niyang isasagawa ng mga kalahok na kinatawan sa nasabing pulong ang mga konstruktibo at mabisang gawain para ibayo pang mapatibay ang pagkakaibigan at pag-uunawaang Ruso-Sino at kanilang mga mamamayan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method