CMG komentaryo: Vaccine nationalism, sumisira sa mga buhay

2021-04-27 15:09:16  CMG
Share with:

Nitong nakalipas na 4 na araw, patuloy na lumalala ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa India. Kasabay ng kakapusan sa gamot at bakuna, lumampas na sa 300,000 ang bagong karagdagang kumpirmadong kaso sa isang araw.

CMG komentaryo: Vaccine nationalism, sumisira sa mga buhay_fororder_20210427India2

Samantala, sa ilalim ng pandaigdigang presyur, ipinatalastas nitong Linggo ng gabi, Abril 25, 2021 ng pamahalaang Amerikano na ipagkakaloob sa India ang tulong medikal na kinabibilangan ng mga hilaw na materyal sa paggawa ng bakuna.
 

Pero hindi naniniwala rito ang mga Indian netizen.
 

Batay sa simulaing “Amerika Muna,” nilimitahan ng dating pamahalaang Amerikano ang pagluluwas ng mga hilaw na materyal sa India.
 

Makaraang umakyat sa kapangyarihan si Joe Biden, ipinagpatuloy ang limitasyong ito, bagay na humantong sa pagtigil ng produksyon ng bakuna ng India.

CMG komentaryo: Vaccine nationalism, sumisira sa mga buhay_fororder_20210427India1

Sa summit ng Amerika, India, Australia at Hapon noong nagdaang mahigit isang buwan, inihayag ng pangulong Amerikano ang kahandaang bigyan-pondo ang produksyon ng bakuna ng India at ibigay ang mga ito sa ibang bansa.
 

Pero pagkaraang sumidhi ang kalagayan ng pandemiya sa India, tinanggihan nitong Abril 22 ng Kagawaran ng Estado ng Amerika ang kahilingan ng panig Indian na alisin ang limitasyon sa pagluluwas ng mga hilaw na materyal sa paggawa ng bakuna, upang maigarantiya di-umano ang programa ng pagbabakuna ng mga Amerikano.
 

Nitong nakalipas na 4 na araw, mahigit 1.2 milyon ang bilang ng mga bagong karagdagang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa India, at kailangang-kailangan ang mga bakuna.
 

Pero ayon sa ulat ng pahayagang “The Hindu,” hindi binanggit ng panig Amerikano ang pagpapadala sa India ng mga bakunang maaaring direktang gamitin.
 

Dahil sa di-patas na distribusyon ng bakuna, parami nang paraming mahirap na mamamayan ang nanganganib na mahawa sa virus, pero tinitinggal pa rin ng mayayamang bansa ang bakuna, at kinokontrol ang pagluluwas ng mga hilaw na materyal sa paggawa nito.
 

Ang vaccine nationalism ay nagsisilbing hadlang sa komong pagpupunyagi ng buong mundo sa paglaban sa pandemiya.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method