Mensahe ng pakikiramay, ipinadala ni Pangulong Xi kay Pangulong Widodo

2021-04-28 10:27:37  CMG
Share with:

Kaugnay ng paglubog kamakailan ng isang submarine ng hukbong pandagat ng Indonesia, ipinadala nitong Martes, Abril 27, 2021 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensahe ng pakikiramay sa kanyang Indonesian counterpart na si Joko Widodo.
 

Sa mensahe, sa ngalan ng pamahalaan, mga mamamayang Tsino at mula sa kanyang sarili mismo, ipinaabot ni Xi ang malalim na pakikidalamhati sa mga nasawi sa nasabing insidente, at ang taos-pusong pakikiramay sa mga kamag-anakan ng mga nasawi.


Salin: Lito
Pulido: Mac

Please select the login method