Mula ika-7 hanggang ika-10 ng Mayo, 2021, gaganapin sa Haikou, Lalawigang Hainan ng Tsina, ang kauna-unahang China International Consumer Products Expo.
Tungkol dito, isinalaysay nitong Miyerkules, Abril 28 ni Wang Bingnan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na sa kasalukuyan, lalahok dito ang 648 kompanya mula sa 69 na bansa’t rehiyon, at umabot sa 1,319 ang kabuuang bilang ng mga kasaling tatak.
Aniya, sa panahon ng nasabing ekspo, tinatayang lalampas sa 20,000 ang mga propesyonal na mamimili galing sa labas ng Hainan, at lalampas sa 200,000 person-time ang bilang ng iba’t ibang uri ng bisita.
Dagdag ni Wang, ang nasabing ekspo ay magsisilbing bagong bintana ng pagpapatupad ng pagbubukas sa labas sa mataas na antas. Ang pagtataguyod ng Tsina ng ekspong ito ay hindi lamang magpapakita sa daigdig ng estratehikong bunga ng pagpigil at pagkontrol ng bansa sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), kundi magpapadala rin ng positibong signal ng tuluy-tuloy na pagbuti ng kabuhayang Tsino, habang nananatiling matatag.
Salin: Vera
Pulido: Mac