Sa pakikipag-usap sa telepono nitong Huwebes, Abril 29, 2021 kay Pangulong Shavkat Mirziyoyev ng Uzbekistan, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang kasalukuyang taon ay ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ito rin ay ika-30 anibersaryo ng kasarinlan ng Uzbekistan.
Aniya, sa bagong historical starting point, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng Uzbekistan para mapasulong pa ang komprehensibo at estratehikong partnership ng dalawang bansa at makapaghatid ng mas malaking benepisyo sa kanilang mga mamamayan.
Ipinahayag naman ni Shavkat Mirziyoyev na itinuturing ng Uzbekistan ang Tsina bilang pinakamahalaga at pinakamapagkakatiwalaang estratehikong partner.
Nakahanda aniya ang Uzbekistan na ipagpatuloy ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa iba’t-ibang larangan.
Salin: Lito
Pulido: Mac