Joe Biden, inaasahan ang pakikipagkita kay Vladimir Putin

2021-05-05 12:03:15  CMG
Share with:

Ipinahayag nitong Martes, Mayo 4, 2021 ni Pangulong Joe Biden ng Amerika na umaasa siyang makakatagpo si Pangulong Vladimir Putin ng Rusya sa kanyang biyahe sa Europa sa darating na Hunyo.

 

Ayon sa ulat, dadalo si Biden sa G7 Summit na gaganapin sa Britanya mula Hunyo 11 hanggang 13. Pagkatapos nito, pupunta siya sa Brussels upang dumalo sa North Atlantic Treaty Organization (NATO) Summit. Ito ang magiging unang biyahe ni Biden sapul nang kanyang panunungkulan.

 

Matatandaang iminungkahi ni Biden noong Abril 15, ang pakikipagkita kay Putin sa panahon ng nasabing summit para pag-usapan ang relasyon ng Amerika at Rusya.

 

Nitong ilang taong nakalipas, patuloy na umiigting ang relasyong Amerikano-Ruso, at sapul nang umakyat sa poder si Biden, limitadong kooperasyon lamang sa larangan ng pagkontrol sa armas ang isinasagawa ng dalawang bansa.

 

Sa kabilang dako, napakalinaw ang alitan ng Amerika at Rusya sa mga isyung gaya ng Ukraine, cyber security, karapatang pantao, at panghihimasok sa halalan.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method