Idaraos Mayo 7 hanggang Mayo 10, 2021 sa lalawigang Hainan, Tsina, ang kauna-unahang China International Consumer Products Expo (Hainan Expo).
Walumpung (80) libong metro kuwatrado ang kabuuang saklaw ng nasabing perya at ito’y nahahati sa 5 sona ng pagtatanghal.
Bukod pa riyan, mahigit 1,300 tatak ng 650 kompanya galing sa iba’t ibang bansa ng daigdig ang lalahok dito.
Samantala, ipinahayag ng mga domestiko at dayuhang kalahok na kasabay ng pagpapabilis ng bagong estruktura ng pag-unlad ng Tsina, ang Hainan Expo ay magdudulot ng di-mabibilang na pagkakataong makakabuti sa pagpasok ng mga tatak pandaigdig sa pamilihang Tsino, at paglabas ng mga kompanyang Tsino tungo sa mas malawak na pamilihan ng buong mundo.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio