Sa komunike na ipinalabas kamakailan, ikinabalisa ng Pulong ng Ministrong Panlabas ng G7 ang isyung may kinalaman ng Xinjiang, Tibet, Hongkong ng Tsina, at ang kalagayan sa East China Sea at South China Sea, at sinusuportahan ang Taiwan na lumahok sa World Health Assembly.
Kaugnay nito, ipinahayag nitong Mayo 6, 2021, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na walang anumang batayan ang pagbatikos ng G7 sa Tsina, at walang galang itong nakiki-alam sa soberanya ng Tsina.
Aniya, lumalabag ang aksyon ng G7 sa regulasyon ng relasyong pandaigdig at taliwas sa kalakaran ng panahon. Mahigpit na kinondena ito ng Tsina, at tiyak na mabibigo ang tangka nilang paninirang-puri sa Tsina.
Ipinahayag din ni Wang na bilang grupo ng mga maunlad na bansa, dapat isagawa ng G7 ang mga aktuwal na aksyon para sa pag-ahon ng kabuhayang pandaigdig, pagtulong sa mga umuunlad na bansa, sa halip ng paglikha ng pagkakaiba sa komunidad ng daigdig.
Salin:Sarah
Pulido:Mac