Pulong ng Ministrong Panlabas ng G7, ipininid sa London

2021-05-06 17:55:38  CMG
Share with:

Ipininid Mayo 5, 2021, sa London, Britanya, ang Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng G7. 
 
Nakalakip sa magkasanib na pahayag ng pulong ang mga di-angkop na nilalaman tungkol sa Tsina, na gaya ng paghimok sa Tsina na “konstruktibong lumahok sa pandaigdigang sistema batay sa regulasyon,” pagpapahayag ng pagkabalisa sa “kalagayan ng karapatang pantao sa Xinjiang at Tibet,” at iba pa.
 
Samantala, kinikilala din ng pahayag na ang pagharap sa pagbabago ng klima, paggarantiya sa biodiversity, pagpapa-ahon ng kabuhayan pagkatapos ng pandemiya ng COVID-19 at iba pang mga isyu ay angkop sa kapakanan ng iba’t ibang panig na kinabibilangan ng Tsina. 
 
Ang pulong ng mga Ministrong Panlabas ng G7 ay “warm up” ng G7 Summit na idaraos sa susunod na buwan sa UK. 
 

Pulong ng Ministrong Panlabas ng G7, ipininid sa London_fororder_g7


Salin:Sarah
Pulido:Rhio

Please select the login method