Nanawagan muli ang Tsina sa komunidad ng daigdig na dapat sundin ang Karte ng United Nations (UN), at igiit ang multilateralismo.
Ipinahayag ito ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, sa video conference ng UN Security Council (UNSC) sa mataas na antas.
Aniya, dapat mapangalagaan ang sentral na papel ng UN sa mga suliraning pandaigdig, at pundamental na regulasyon ng relasyong pandaigdig batay sa prinsipyo ng Karte ng UN.
Sa harap ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), dapat matatag na magkooperasyon ang iba’t ibang panig para aktuwal na isagawa ang multilateralismo.
Idinaos ang video conference nitong Mayo 7, 2021, sa mungkahi ng Tsina, tagapangulong bansa ng UNSC ngayong buwan. Ang tema nito ay “upholding multilateralism and the UN-centered international system.”
Salin:Sarah
Pulido:Mac Ramos