Pangkagipitang tulong sa paglaban sa COVID-19, ipinagkaloob ng Tsina sa Laos

2021-05-10 17:34:09  CMG
Share with:

Sa kahilingan ng Laos, dumating umaga ng Mayo 9, 2021, ang grupo ng dalubhasang medikal ng Tsina, sa Luang Prabang sa dakong hilaga ng Laos, para tumulong sa laban kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

 

Muling nanalasa sa bansa noong nagdaang Abril ang bagong wave ng COVID-19, at mabilis itong lumaganap sa 15 lugar, na nagresulta sa paghigpit ng kalagayan ng sistemang medikal sa bansa.

 

Sa ngayon, ang paglaban ng Laos sa COVID-19 ay “mahalagang pangkagipitang estratehikong misyon.”

 

Ayon sa datos ng Pambansang Komisyon ng Laos sa Paglaban at Pagkontrol ng Pandemiya, hanggang Mayo 8, 2021, umabot na sa 1,233 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong bansa.

 

Nauna rito, dumating noong Mayo 4, 2021, ang mga dalubhasang Tsino dala-dala ang mga materyal na medikal.

 

Pangkagipitang tulong sa paglaban sa COVID-19, ipinagkaloob ng Tsina sa Laos_fororder_laos

 

Pangkagipitang tulong sa paglaban sa COVID-19, ipinagkaloob ng Tsina sa Laos_fororder_laos02

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method