Bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, nagdulot ng kompiyansa - Laos

2021-04-29 16:44:48  CMG
Share with:

Sa seremoniya ng pagsalubong sa bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) na idinaos Abril 27, 2021, ipinahayag ni Kikeo Khaykhamphithoune, Pangalawang Punong Ministro ng Laos, na ang pagkakaloob ng Tsina ng mga bakuna ay nagbigay ng suporta at kompiyansa para sa Laos sa paglaban sa COVID-19.

 

Aniya, ligtas at mabisa ang bakuna kontra COVID-19 gawa ng Tsina, at binakunahan na siya.

 

Samanatala, sa kanyang talumpati, sinabi ni Jiang Zaidong, Embahador ng Tsina sa Laos, na nitong Abril 2021, naging mahigpit ang kalagayan ng pagkontrol sa COVID-19 sa Laos. Pero nananalig ang Tsina na sa pamumuno ng partido at pamamahala ng Laos, tiyak na magtatagumpay ang Laos sa paglaban sa COVID-19.

 

Nakahanda ang Tsina na patuloy na ipagkakaloob ang tulong para rito, saad ni Jiang.

Bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Tsina, nagdulot ng kompiyansa - Laos_fororder_pagbabakuna

 

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac

Please select the login method