CMG Komentaryo: “Demographic dividend”, patuloy na pinapasulong ang pag-unlad ng Tsina

2021-05-12 16:03:55  CMG
Share with:

Ipinalabas Mayo 11, 2021, ng Tsina, ang data ng Ika-7 Population Census ng buong bansa.

 

Umabot sa 1.41 bilyon ang kabuuang bilang ng populasyon ng Tsina noong 2020, na katumbas ng 18% ng kabuuang bilang ng populasyon ng buong mundo, at nasa unang puwesto sa daigdig.

 

Kaugnay ng tunguhin ng pagbabago ng populasyon ng Tsina, ipinalalagay ng ilang mediang kanluranin na ang dobleng hamon ng mababang fertility rate at aging population ay posibleng pumigil sa paglaki ng kabuhayang Tsino.

 

Pero, ayon sa pinakahuling data ng population census, pare-pareho ang trend ng pagbabago ng populasyon ng Tsina at proseso ng pag-unlad na may mataas na kalidad sa Tsina.

 

Patuloy na pinapasulong ng “demographic dividend” ng Tsina ang pag-unlad ng bansa.

 

Samantala, umiiral pa rin ang mahigpit na hamon sa kasalukuyang kalagayan ng populasyon sa Tsina, na tulad ng aging population. Sa katotohanan, ito ang komong problema na kinakaharap ng buong mundo. Kaugnay nito, walang humpay na nagsisikap ang Tsina para harapin ang hamon.

CMG Komentaryo: “Demographic dividend”, patuloy na pinapasulong ang pag-unlad ng Tsina_fororder_komentaryo

Salin:Sarah

Pulido:Mac Ramos

Please select the login method