Isinapubliko nitong Martes, Mayo 11, 2021 ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ang resulta ng ika-7 pambansang sensus.
Ipinakikita ng datos na nitong nakalipas na 10 taon, tuluy-tuloy na lumaki ang kabuuang populasyon ng bansa, pero mababa ang fertility level.
Sa panayam ng China Media Group (CMG), sinabi ni Zhai Zhenwu, Tagapangulo ng China Population Association, na sa panahon ng ika-14 na panlimahang taong plano, posibleng lumitaw ang “serong paglaki” ng populasyon ng Tsina.
Aniya, ang pagbaba ng total fertility rate ay di-maiiwasang resulta ng pag-unlad ng modernisasyon ng bansa. Dapat ibayo pang pataasin ang kagustuhang magkaanak, sa pamamagitan ng pagpapaganda ng child-bearing insurance system at iba pang antas.
Salin: Vera
Pulido: Mac