Sa pamamagitan ng kanyang tagapagsalita, ipinahayag nitong Sabado, Mayo 16, 2021 ni Pangkalahatang Kalihim António Guterres ng United Nations (UN), ang pagkabahala sa parami nang paraming sibilyang kasuwalti dulot ng isinasagawang air raid ng Israel sa Gaza Strip ng Palestina.
Nababahala aniya siya sa mga pagbobomba ng tropang Israeli sa isang gusaling kinaroroonan ng maraming dayuhang media sa Gaza Strip.
Ipinaalala rin ni Guterres sa iba’t-ibang panig na ang walang habas na pag-atakeng nakakatuon sa mga sibilyan at gusali ng media ay lumalabag sa pandaigdigang batas. Dapat iiwas ang mga ito sa anumang kapinsalaan, diin niya.
Ayon pa sa datos na isinapubliko nitong Sabado ng hukbong pandepensa ng Israel at departamentong pangkalusugan ng Gaza, sapul nang sumiklab ang sagupaan sa Gaza Strip noong Mayo 10, 10 Palestino ang napatay at 114 iba pa ang nasugatan. Samantala, 139 na sa pangkalahatan, Palestino naman ang napatay at 1,000 ang nasugatan.
Salin: Lito
Pulido: Rhio