Kabuhayang Tsino, patuloy ang pagbangon

2021-05-17 17:04:17  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling datos na ipinalabas Mayo 17, 2021, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, hanggang sa Abril 2021, patuloy ang paglaki ng pangangailangang panloob ng Tsina, matatag ang presyo ng mga paninda, at patuloy na bumabangon ang kabuhayan ng bansa.

 

Ipinalalagay ng mga taga-analisa na kasabay ng walang humpay na pagdami ng bilang ng mga nai-iniksyonan ng bakuna kontra Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), patuloy na babangon ang kabuhayang Tsino sa ikalawang kuwarter ng taon, at lalo pang susulong ang konsumsyon at paglaki ng kabuhayan.

 

Samantala, sa preskon na idinaos Mayo 17, 2021, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ipinahayag ni Fu Linghui, Tagapagsalita ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika, na datapuwa’t nananatiling masalimuot ang kalagayan ng pandemiya ng COVID-19 sa buong mundo at di-balanse ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, nananatiling umaahon ang kabuhayan ng Tsina.

 

Kabuhayang Tsino, patuloy ang pagbangon_fororder_estadistika

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method