Inilabas kamakailan ng panig opisyal ng Tsina ang mga pinakahuling datos ng kabuhayan ng bansa.
Kabilang dito, ang GDP noong unang kuwarter ng taong ito ay lumaki ng 18.3% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Sa larangan naman ng konsumo, ang kabuuang halaga ng tingian ng consumer goods noong Marso ay mas malaki nang 34.2% kaysa halaga noong Marso ng 2020.
Ipinakikita ng naturang mga datos ang tuluy-tuloy at matatag na pagbangon ng kabuhayan ng Tsina mula sa pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Samantala, ang mabuting tunguhin ng kabuhayang Tsino ay kinikilala rin ng komunidad ng daigdig.
Nauna rito, sa pinakahuling economic outlook nito, itinaas ng International Monetary Fund (IMF) ang inaasahang paglaki ng kabuhayang Tsino sa taong ito sa kasalukuyang 8.4% mula dating 8.1%.
Maganda ang prospek ng kabuhayang Tsino. Kasabay nito, ang pagbangon ng kabuhayang Tsino ay lumilikha rin ng malaking pangangailangan ng mga hilaw na materyal at consumer goods sa buong daigdig, at nagdudulot ito ng positibong elemento sa pagbangon ng kabuhayan ng ibang mga bansa.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos