Tapos na ang konstruksyon ng terminal building ng Suvarnabhumi Airport ng Thiland na itinatag ng China State Construction Engineering Group Co., Ltd. (CSCEC), at sinimulan na ang subok-operasyon nito.
Ayon sa salaysay ni Shen Minghua, Manager ng naturang proyekto ng CSCEC, na bilang pangunahing proyekto ng Tsina sa Timog Silangang Asya sa loob ng framework ng “Belt and Road Initiative(BRI),” lubos na ipinapakita ng nasabing konstruksyon ang katangian na may win-win at mutuwal na kapakinabangan.
Aniya, ipagkakaloob ng proyektong ito ang mga 15 libong trabaho para sa mga lokal na mamamayan, at lalo pang magpapalakas sa pagpapalitang kultural at pagpapalitan ng mga mamamayan ng Tsina at Thailand.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio