Tsina at Italya:lalo pang pasusulungin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan

2021-05-18 16:14:23  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kahapon Mayo 17, 2021, kay Punong Ministrong Mario Draghi ng Italya, ipinahayag ni Premiyer Li Keqiang ng Tsina na, nakahanda ang Tsina na pasulungin ang pakikipagkooperasyon sa Italya sa kalakalan, pamumuhunan, enerhiya, pagharap sa pagbabago ng klima at iba pang larangan.

Tsina at Italya:lalo pang pasusulungin ang kooperasyon sa iba't ibang larangan_fororder_li

Aniya, magsisikap ang Tsina para tiyakin ang tagumpay ng Taon ng Turismo at Kultura ng Tsina at Italya sa 2022, para palakasin ang pagpapalitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Lalo pang palalakasin ng Tsina at Italya ang kooperasyon sa framework ng G20, saad ni Li.

 

Tinukoy pa ni Li na ang kooperasyon ng Tsina at Unyong Europeo (EU) ay makakatulong sa pagbangon ng kabuhayang pandaigdig. Dapat magkasamang magsikap ang dalawang panig para pasulungin ang paglalagda at pagkakaroon ng bisa ng EU-China Comprehensive Agreement on Investment (CAI).

 

Inaasahan ng Tsina na bilang mahalagang miyembro ng EU, patuloy na patitingkarin ng Italya ang positibong papel para sa malusog at matatag na pag-unlad ng relasyon ng Tsina at EU, saad ni Li.

 

Samantala, ipinahayag ni Draghi na lubos na pinahahalagahan ng Italya ang komprehensibong estratehikong partnership ng Italya at Tsina.

 

Nahanda ang Italya na magsikap, kasama ng Tsina, para patuloy na pasulungin ang mahalagang proyektong pangkooperasyon ng dalawang panig, palakasin ang pakikipagkooperasyon sa Tsina sa mga multilateral na usapin, magkasamang pasulungin ang kooperasyon sa paglaban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), pasulungin ang pagbangon ng kabuhayan ng daigdig, at harapin ang mga hamong tulad ng pagbabago at klima.

 

Salin:Sarah

Pulido:Mac Ramos

Please select the login method