Unang China Railway Express sa Guangxi, naisa-operasyon

2021-05-19 15:54:13  CMG
Share with:

Naisa-operasyon Mayo 18, 2021, ang China Railway Express mula lunsod Liuzhou ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, patungo sa Moscow ng Rusya.

 

Ito ang kauna-unahang transnasyonal na China Railway Express sa Guangxi.

 

Ayon sa ulat, mga 11 libong kilometro ang kabuuang haba ng “Liuzhou — Moscow” China Railway Express.

 

Darating ito sa Moscow pagkaraan ng 20 araw.

 

Sa hinaharap, maisasa-operasyon ang isa o dalawang tren ng China Railway Express bawat buwan, na magdadala ng mga de-kalidad na paninda ng Guangxi sa mga bansa ng “Belt and Road Initiative (BRI).”

 

Ang pagsasaoperasyon ng treng ito ay lalo pang makakatulong sa pag-unlad ng bukas na kabuhayan ng Guangxi.

Unang China Railway Express sa Guangxi, naisa-operasyon_fororder_chinaralwayexpress

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

 

Please select the login method