Xi Jinping, umaasang itatayo ng Tsina at Rusya ang modelo ng kooperasyon sa enerhiyang nuklear sa daigdig

2021-05-20 11:34:15  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagsisimula ng proyekto ng kooperasyon sa enerhiyang nuklear ng Tsina at Rusya nitong Miyerkules, Mayo 19, 2021, inihayag ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na dapat itatag at patakbuhin ng dalawang bansa ang 4 na de-kalidad na nuclear power unit ng naturang proyektong pangkooperasyon, batay sa mataas na pamantayan, at buuin ang modelo sa larangan ng kaligtasang nuklear ng buong mundo.

Xi Jinping, umaasang itatayo ng Tsina at Rusya ang modelo ng kooperasyon sa enerhiyang nuklear sa daigdig_fororder_20210520XiJinping1

Umaasa aniya siyang palalalimin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa pundasyon at pananaliksik, pagdedebelop ng masususing teknolohiya, paglilipat ng mga bunga ng inobasyon at iba pang aspekto ng enerhiyang nuklear, at pagpapasulong ng malalimang paghalo sa industriya ng enerhiyang nuklear at bagong henerasyon ng didyital na teknolohiya.

Xi Jinping, umaasang itatayo ng Tsina at Rusya ang modelo ng kooperasyon sa enerhiyang nuklear sa daigdig_fororder_20210520XiJinping2

Bukod dito, kailangan din aniyang pasulungin ng Tsina at Rusya ang koordinadong pag-unlad ng pandaigdigang sistema ng pangangasiwa sa enerhiya, hanapin ang mas maraming proyekto ng low-carbon cooperation, at patingkarin ang konstruktibong papel para sa target ng sustenableng pag-unlad ng buong mundo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method