Pagsisimula ng proyekto ng enerhiyang nuklear, magkasamang sinaksihan ng mga lider ng Tsina at Rusya

2021-05-20 11:10:38  CMG
Share with:

Sa pamamagitan ng mga video link, magkasamang sinaksihan nitong Miyerkules, Mayo 19, 2021 nina Pangulong Xi Jinping Tsina at Pangulong Vladimir Putin ng Rusya ang pagsisimula ng proyekto ng kooperasyon sa enerhiyang nuklear ng dalawang bansa.

Pagsisimula ng proyekto ng enerhiyang nuklear, magkasamang sinaksihan ng mga lider ng Tsina at Rusya_fororder_20210520TsinaRusya

Ang mga power unit No. 7 at 8 ng Tianwan Nuclear Power Plant, at No. 3 at 4 ng Xudapu Nuclear Power Plant ay mahahalagang proyekto ng strategic package of agreements na nilagdaan ng panig Tsino at Ruso sa larangan ng enerhiyang nuklear noong Hunyo, 2018.
 

Dahil sa pagsasa-operasyon ng dalawang power plant, aabot sa 37.6 bilyong kilowatt-hour ang maipo-prodyus na koryente kada taon.
 

Ito ay katumbas ng pagbabawas ng 3,068 toneladang pagbuga ng carbon dioxide bawat taon.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method