Ini-ulat ng media ng Timog Aprika nitong Mayo 22, 2021, na umaasa ang parliamento ng bansa na mapapabilis ng pamahalaan at mga kaukulang organo ang pagpasok sa bansa ng mga bakunang Tsino at Ruso na kontra sa pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), upang mapalakas ang pagbabakuna sa bansang ito.
Sa isang panayam, ipinahayag ni Sibongiseni Dhlomo, Chairperson ng Portfolio Committee on Health ng Timog Aprika, na dapat pabilisin ang pagpasok ng mga bakunang Tsino at Ruso sa bansa upang mailigtas ang mas maraming buhay.
Aniya, makikipag-ugnayan ang kanyang komisyon sa South African Health Products Regulatory Authority (SAHPRA) para mapasulong ang pag-aproba sa paggamit ng nasabing mga bakuna sa bansa.
Nauna rito, ipinahayag noong Mayo 18 ni Zweli Mkhize, Ministro ng Kalusugan ng Timog Aprika, na kasalukuyang nagsisikap ang pamahalaan para makuha ang mas maraming bakuna.
Salin: Lito
Pulido: Rhio