Sa pamamagitan ng video link, dumalo Biyernes ng gabi, Mayo 21, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Global Health Summit at bumigkas ng mahalagang talumpating pinamagatang “Magkakasamang Pagtatatag ng Komunidad na may Pinagbabahaginang Kalusugan ng Sangkatauhan.”
Tinukoy ni Pangulong Xi na sinasalanta pa ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) ang buong daigdig. Aniya, ang pagtatagumpay sa pandemiya at pagpapanumbalik ng paglaki ng kabuhayan sa lalong madaling panahon ay pangunahing tungkulin ng komunidad ng daigdig.
Ani Xi, dapat isabalikat ng mga miyembro ng G20 ang responsibilidad sa pandaigdigang kooperasyon sa pakikibaka laban sa pandemiya。
Kaugnay nito, iniharap ni Xi ang 5 mungkahi: una, dapat igiit ang pagpapauna ng mga mamamayan at buhay; ikalawa, dapat igiit ang pagsasagawa ng mga siyentipikong hakbangin at sistematikong harapin ang krisis ng pandemiya; ikatlo, dapat igiit ang magkakasamang pagsisikap at itaguyod ang pagkakaisa at kooperasyon; ika-apat, dapat igiit ang pagkakapantay-pantay at katuwiran at iwasan ang “immunity gap”; ikalima, dapat kumpletuhin ang sistema ng pagsasaayos.
Upang patuloy na suportahan ang pandaigdigang kooperasyon sa pakikibaka laban sa pandemiya, ipinatalastas ni Pangulong Xi na una, sa loob ng darating na 3 taon, ipagkakaloob ng Tsina ang 3 bilyong dolyares na ayudang pandaigdig para katigan ang mga umuunlad na bansa sa paglaban sa pandemiya at pagpapanumbalik ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan; ikalawa, ipagkakaloob ng Tsina hangga’t makakaya ang mas maraming bakuna sa buong mundo; ikatlo, kakatigan ng Tsina ang paglilipat ng sariling mga kompanya ng bakuna ng teknolohiya sa mga umuunlad na bansa at isasagawa ang kooperasyon sa pagpoprodyus ng mga bakuna; ika-apat, susuportahan ng Tsina ang mga organisasyong pandaigdig na gaya ng World Trade Organization (WTO) sa paggawa ng maagang desisyon sa pagtatakwil ng intellectual property rights sa bakuna, at nagawa na ng Tsina ang desisyong ito; ikalima, itinataguyod ng Tsina ang pagtatatag ng pandaigdigang porum ng kooperasyon sa bakuna kung saan magkakasamang tatalakayin ng mga bansa, bahay-kalakal, at kaukulang panig na nagpoprodyus at nagsusubok-yari ng bakuna ang tungkol sa kung paanong mapapasulong ang pantay at makatuwirang pagbabahaginan ng mga bakuna sa buong daigdig.
Sa bandang huli, ipinagdiinan ni Xi na dapat magkapit-bisig ang buong daigdig upang magkakasamang mapasulong ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kalusugan ng sangkatauhan at magkakasamang pangalagaan ang malusog at magandang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Salin: Lito
Pulido: Mac
Kooperasyong Sino-Pakistani sa pakikibaka laban sa COVID-19, isusulong pa
Tsina, matibay ang pagkatig sa laban ng Aprika kontra pandemiya ng COVID-19 – Wang Yi
Bagong batch ng 500k bakuna ng Sinovac, dumating ng Pilipinas
Bayan sa Brazil, nagkaroon ng herd immunity laban sa COVID-19 sa tulong ng bakunang Tsino
Bakuna kontra COVID-19 na magkasanib ginawa ng Tsina at Ehipto, lalabas sa Hunyo