RCEP, bagong pahina ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan

2021-05-24 16:34:33  CMG
Share with:

Idinaos Mayo 23, 2021, sa lunsod Haikou ng lalawigang Hainan ng Tsina, ang Porum ng Think Tank at Media sa Rehiyonal na Pag-unlad ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).

 

Ipinalabas sa porum ang ulat na pinamagatang “RCEP: Bagong Pahina ng Rehiyonal na Kooperasyong Pangkabuhayan at Pangkalakalan.”

 

Idinaos din sa porum ang serye ng mga sub forum na nagpokus sa “Bagong Pagkakataon ng Kooperasyon ng mga Media sa Rehiyon ng RCEP” at iba pang mahalgang tema.

 

Sa pamamagitan ng kapuwa virtual meeting at pagbisita sa site, lumahok sa porum ang mahigit 300 tauhan ng media, think tank, mga dayuhang diplomata sa Tsina at mga kinatawan ng ibat-ibang kompanya. 

 

Ipinalalagay ng mga kalahok mula sa Tsina, Pilipinas, Timog Korea, Singapore, Laos, Myanmar, Malaysia, Indonesiya at iba pang bansa, na ang RCEP ay lubos na nagpakita ng ideya ng pagtatatag ng pinagbabahaginang kapalaran ng sangkatauhan, at makakabuti ito sa pag-unlad ng rehiyonal na kabuhayan at kalakalan.  

RCEP, bagong pahina ng rehiyonal na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan_fororder_RCEP

Salin:Sarah

Pulido:Rhio

Please select the login method