Nag-usap nitong Lunes, Mayo 24, 2021 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Nguyen Xuan Phuc ng Biyetnam.
Tinukoy ni Xi na ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam ay komong mahalagang yaman ng dalawang partido at dalawang bansa. Dapat tingnan at hawakan ang relasyon ng dalawang partido at dalawang bansa, batay sa estratehiko’t pangmalayuang pananaw, at tiyakin ang tumpak na direksyon ng pag-abante ng bilateral na relasyon.
Nakahanda aniya ang partido at pamahalaan ng Tsina na aktibong itatag ang estratehikong komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Biyetnam, at pasiglahin ang bagong lakas-panulak para sa pag-unlad ng relasyon ng mga partido at bansa, at sosyalistang usapin.
Saad naman ni Nguyen, bilang kapatid at kapitbansa ng Tsina, sa mula’t mula pa’y kinakatigan ng panig Biyetnames ang Tsina sa pagiging mas malakas, at paggigiit sa nagsasariling patakarang diplomatiko, at patuloy at buong tatag na pasusulungin ang pagkakaibigan ng dalawang bansa.
Inihayag din niya ang kahandaang pahigpitin ang pakikipag-ugnayang pulitikal sa Tsina, palakasin ang pagkakaisa at pagtitiwalaan, at palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan sa iba’t ibang larangang gaya ng kabuhaya’t kalakalan, paglaban sa pandemiya, kabataan, kultura at iba pa, para gumawa ng ambag sa kapayapaan ng rehiyon at pag-unlad ng sosyalistang usapin.
Salin: Vera
Pulido: Mac
Ika-6 na mapagkaibigang pagpapalitang pandepensa sa hanggahan ng Tsina at Biyetnam, ginanap
Wang Yang, binati si Đỗ Văn Chiến sa kanyang panunungkulan bilang Presidente ng VFF
Wang Yi, bumati kay Bui Thanh Son sa kanyang panunungkulan bilang FM ng Biyetnam
Pangulong Tsino, bumati sa panunungkulan ni Nguyễn Xuân Phúc bilang pangulo ng Biyetnam