Ika-6 na mapagkaibigang pagpapalitang pandepensa sa hanggahan ng Tsina at Biyetnam, ginanap

2021-04-25 14:41:52  CMG
Share with:

Ginanap nitong Sabado, Abril 25, 2021 sa purok-hanggahan ng Tsina at Biyetnam ang ika-26 na mapagkaibigang pagpapalitang pandepensa sa hanggahan ng dalawang bansa.
 

Magkahiwalay na pinamunuan ng mga ministro ng tanggulan bansa na sina Wei Fenghe ng Tsina at Phan Văn Giang ng Biyetnam ang mga delegasyon ng kapuwa panig.
 

Sa kanyang talumpati, inihayag ni Wei na nitong nakalipas na ilang taon, walang humpay na lumalalim ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Biyetnam.
 

Nakahanda aniya ang panig Tsino na magpunyagi, kasama ng panig Biyetnames, upang mapasulong ang kooperasyong panghanggahan ng dalawang bansa sa mas mataas na antas, at mapasigla ang bagong lakas-panulak sa pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at pagpapalitan ng dalawang tropa.
 

Ipinahayag naman ni Phan Văn Giang ang kahandaang palakasin ang kooperasyon sa Tsina sa mga aspektong gaya ng magkasanib na pamamatrolya, pagharap sa likas na kapahamakan, pagpigil at pagkontrol sa pandemiya at iba pa, at mabisang ipagtanggol ang seguridad, katatagan, kasaganaan at kaunlaran sa purok-hanggahan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method