Idinaos Mayo 26, 2021, ng Beijing Organizing Committee for the 2022 Winter Olympic and Paralympic Games ang news briefing kaugnay ng mga mababang karbon na aktibidad sa Olympic games.
Ipinahayag sa nasabing briefing na ang aktibong pagharap sa pagbabago ng klima ay ang pangako ng Tsina sa daigdig, at ito rin ay isa sa 5 tema ng sustenableng estratehiya ng International Olympic Games (IOC).
Bukod dito, ang "berdeng Olympic" ay mahalagang ideya ng 2022 Beijing Olympic and Paralympic Winter Games.
Sa proseso ng paghahanda ng 2022 Olympic and Paralympic Winter Games, itinakda ng Beijing Organizing Committee ang 4 na low carbon target sa larangan ng enerhiya, pasilidad, trapiko at pamantayan.
Natamo ang maraming bunga sa usaping ito.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio