Sa kanyang talumpati Mayo 25,2021, sa Munich Security Conference, inilahad ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang polisiya ng kanyang bansa hinggil sa magkakasamang pag-unlad, relasyon sa daigdig, kooperasyon sa Europa at iba pang isyu.
Aniya, ang Tsina ay isang mapagkakatiwalaang kaibigan ng daigdig at hindi kalaban.
Ipinahayag niyang nakahandang magsikap ang Tsina, kasama ng iba’t ibang bansa, para isagawa ang totoong multilateralismo, at pangalagaan ang pandaigdigang sistema kung saan ang United Nations (UN) ang nukleo.
Batay sa prinsipyo ng paggalang sa isa’t isa at mutuwal na kapakinabangan, patuloy na pinapanatili at pinapalawak ng Tsina ang komprehensibong pakikipagkooperasyon sa Europa, saad ni Wang.
Bukod dito, sinagot din ni Wang ang mga tanong ng media kaugnay ng relasyon ng Tsina at EU, China-EU Comprehensive Agreement on Investment (CAI), multilateralismo, Xinjiang at iba pang isyu.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio