Ini-ulat Mayo 4, 2021 ng Agence France-Presse (AFP), na itinigil na ang proseso ng pag-aaproba ng Comprehensive Agreement on Investment (CAI) ng Tsina at Unyong Euopero (EU).
Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 5, 2021, ni Valdis Dombrovskis, Trade Commissioner ng EU, na ipinagpapatuloy ang mga paghahanda hinggil sa pag-aaproba ng CAI.
Aniya pa, hindi maaaring ihiwalay ang prosesong ito sa mas malawak na relasyon ng Tsina at Europa.
Samantala, ipinahayag ni Angela Merkel, Chancellor ng Alemanya, na kahit umiiral ang mga isyu sa pag-aaproba ng nasabing kasunduan, napakahalaga pa rin nito, dahil idudulot ng CAI ang mas maraming pakinabang sa pamilihan at bagong pagkakataon ng pamumuhunan para sa kapuwa Tsina at Europa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio