Ipinahayag Mayo 31, 2021 ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, na 27 ang bilang ng bagong kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland; 7 sa mga ito ay galing sa labas ng bansa, samantalang ang natitirang 20 ay naiulat sa lalawigang Guangdong.
Hanggang magha-hati gabi ng Mayo 30, 2021, 328 ang umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 naman ang bilang ng mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio