Dahil sa mga kasinungalingang tulad ng umano’y “sapilitang pagpapatrabaho” ng Tsina, ipinahayag ng panig Amerikano na pinigilan ang mga iniluwas na seafood product ng Dalian Ocean Fishing Company Limited ng Tsina.
Kaugnay nito, pinabulaanan Mayo 31, 2021 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina ang naturang paratang.
Ipinagdiinan niya na walang katotohanan ang sinasabing “sapilitang pagpapatrabaho, pang-aabuso sa mga tripulante, at di-pagbabayad ng suweldo” ng panig Amerikano.
Ang mga ito ay ganap na pabrikasyon, aniya.
Sinabi ni Wang na kailanma’y hindi ibinenta ng Dalian Ocean Fishing Company Limited ang anumang produkto sa Amerika.
Kaya walang anumang produktong puwedeng pigilan ang panig Amerikano, ani Wang.
Dagdag pa niya, wala ring anumang batayan ang akusasyong “sapilitang pagpapatrabaho” ng Tsina.
Salin: Lito
Pulido: Rhio