Ipinahayag kamakailan sa isang news briefing ni Michael Ryan, Executive Director ng World Health Organization (WHO) Health Emergencies Programme, na kasalukuyang “nilalason” ng pulitika ang gawain ng paghahanap sa pinagmulan ng corona virus.
Ang nasabing bukas na posisyon ay kumakatawan ng malawakang pagbatikos sa muling pagsusulong ng ilang politikong Amerikano sa teorya ng “pagtagas ng corona virus mula laborotaryo.”
Itinuturing ng Amerika ang Tsina bilang “pinakamalaking estratehikong kalaban,” at ginagamit ng ilang politikong Amerikano ang iba’t-ibang paraan upang dungisan ang natamong tagumpay ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.
Bukod pa riyan, tinatangka pa nilang isisi sa Tsina ang sariling responsibilidad kaugnay ng kahiya-hiyang pagkabigo ng Amerika sa paglaban sa pandemiya.
Higit sa lahat, sinusubukan nilang kompetisyonin ang Tsina sa post-pandemic era.
Kaugnay nito, malinaw na tinukoy ni Dominic Dwyer, miyembro ng grupo ng pandaigdigang eksperto ng WHO sa paghahanap ng pinagmulan ng corona virus, na wala pang anumang ebidensyang nagpapakita, na tumagas ang virus mula sa laborotaryo.
Aktibo rin aniyang nakikipagtulungan ang Tsina sa mga kaukulang gawain.
Sa kasalukuyang idinaraos na ika-74 na World Health Assembly (WHA), tinukoy ng mga kinatawan ng iba’t-ibang bansa, na hindi lamang ibinahagi ng Tsina ang gene sequence sa iba, kundi pinasusulong pa nito ang pagbabakuna sa iba pang bansa, bagay na nagkakaloob ng napakalaking suporta sa pakikibaka ng mundo laban sa pandemiya.
Ito ang siyentipikong konklusyon at komong palagay ng daigdig.
Marahil iniisip ng ilang politikong Amerikano na kayang lutuin ng kanilang intelligence agency ang umano’y “ebidensya” para makamtan ang hangarin.
Ngunit, walang saysay ang isinasagawang panlilinlang ng ilang politikong Amerikano para dungisan ang Tsina, at ibaling ang sisi at responsibilidad sa iba.
Salin: Lito
Pulido: Rhio