International Children's Day, ipinagdiriwang alinsunod sa tema ng pangangalaga sa biological diversity

2021-06-01 15:52:00  CMG
Share with:

Bilang pagdiriwang sa International Children’s Day, ginanap kamakailan ang isang aktibidad na may temang “debersipikadong buhay, makukulay na daigdig.”
 

Ang nasabing aktibidad ay inilunsad, sa ilalim ng patnubay ng Tanggapan ng Komisyong Tagapagpaganap ng Gawaing Preparatoryo ng Ika-15 Pulong ng mga Signataryong Panig ng Convention on Biological Diversity (CBD) ng United Nations (UN).
 

Dumalo sa nasabing aktibidad ang mga bata, mga personaheng Tsino’t dayuhan sa larangan ng pangangalaga sa kapaligiran, edukasyon at iba pa.
 

Inihayag ng mga kalahok na kinabibilangan nina Nishi Dholakia, Minister-Counsellor ng Pasuguan ng Britanya sa Tsina, at Eugenio Poti, Pangalawang Puno ng Economic and Commercial Office ng Pasugan ng Italya sa Tsina, na ang mga bata ang may-ari ng kinabukasan, at malaking pakinabang ang pagpapa-alam sa kanila ng mga hakbang tungo sa pangangalaga sa biological diversity at pagbabawas ng emisyon.
 

Anila, dapat itatag ng mga mayor-de-edad, kasama ng mga bata, ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng mundo.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method