Sa pamamagitan ng video link, nag-usap Hunyo 2, 2021, sina Liu He, Pangalawang Premyer ng Tsina at puno ng panig Tsino sa komprehensibong diyalogong pang-ekonomiya ng Tsina at Amerika, at Janet Yellen, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika.
Ipinalalagay ng kapuwa panig na napakahalaga ang relasyong pangkabuhayang Sino-Amerikano.
Batay sa g pagkakapantay-pantay at paggalang sa isa’t isa, malawak na nagpapalitan ang dalawang panig tungkol sa kalagayan ng makro-ekonomiya, bilateral at multilateral na kooperasyon, at iba pang larangang kapuwa mahalaga sa dalawang bansa.
Nakahanda anila ang Tsina at Amerika na panatilihin ang koordinasyon.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio