Ipinahayag Hunyo 1, 2021, ni Ali Rabiei, Tagapagsalita ng Pamahalaan ng Iran, na napawi na ng iba't ibang kinauukulang panig ang mga hadlang sa talastasan hinggil sa isyung nuklear ng Iran na kinabibilangan ng pagpapanumbalik ng iba’t ibang panig ng kanilang obligasyon sa naturang kasunduan, pagkansela ng sangsyon Amerika sa Iran at iba pa.
Bukod dito, narating din aniya ang komong palagay sa usapin kung paaano isasakatuparan ang mga kinauukulang hakbangin.
Ang natitirang mga pagkakaiba ay sinusubukan ngayong resolbahin ng mga lider ng mga kaukulang bansa, saad niya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio