Ministring Panlabas ng Iran: Talastasan sa isyung nuklear ng Iran, may mahalagang progreso

2021-06-01 15:57:21  CMG
Share with:

Sinabi nitong Lunes, Mayo 31, 2021 ni Saeed Khatibzadeh, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Iran, na nagkaroon ng mahalagang progreso sa pulong ng Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA) na ginaganap sa Vienna, Austria.

 

Pero, binigyang-diin niyang kailangan pa ring resolbahin ang maraming masusing isyu.

 

Saad niya, hindi nagmamadali ang panig Iranyo sa pagkakaroon ng kasunduan, at hindi rin nito hahayaang magkaroon ng negatibong resulta ang talastasan.

 

Hinimok niya ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano na gawin ang pinal na kapasiyahan hinggil sa patakaran ng dating pamahalaan ng Amerika sa Iran.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio

Please select the login method