Ayon sa datos na ipinalabas Hunyo 1, 2021 ng Pambansang Komisyon ng Kalusugan ng Tsina, 24 ang bilang ng mga bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Chinese mainland.
Sa mga ito, 14 ang galing sa labas ng bansa, at 10 ay naiulat mula sa lalawigang Guangdong ng Tsina.
Hanggang magha-hati gabi ng Hunyo 1, 2021, 346 ang bilang ng mga umiiral na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chinese mainland, at 4,636 ang mga pumanaw.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio