Bagong meteorological satellite, matagumpay na inilunsad ng Tsina

2021-06-03 14:15:06  CMG
Share with:

Bagong meteorological satellite, matagumpay na inilunsad ng Tsina_fororder_20210603satellite550

Xichang Satellite Launch Center, probinsyang Sichuan ng Tsina — Sakay ng Long March-3B carrier rocket, matagumpay na inilunsad Huwebes, Hunyo 3, 2021 ng Tsina ang Fengyun-4B (FY-4B), bagong meteorological satellite, at nakapasok na ito sa nakatakdang orbit.

Ito ang ika-372 paglipad ng Long March rocket series.

Gagamitin ang nasabing satellite, pangunahin na, sa mga larangang gaya ng pag-analisa at pagtaya ng lagay ng panahon, at pagmonitor sa kapaligiran at kalamidad.


Salin: Lito
Pulido: Rhio

Please select the login method