Sa pamamagitan ng video link, dumalo at nagtalumpati Hunyo 2, 2021, si Zhao Leji, Kagawad ng Political Bureau ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Kalihim ng Komite Sentral ng CPC sa Discipline Inspection, sa espesyal na pulong kontra korupsyon ng Pangkalahatang Asembleya ng United Nations.
Ipinahayag ni Zhao na buong tatag na tinututulan ng CPC at pamahalaang Tsino ang korupsyon.
Aniya pa, lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang ambag ng UN para sa paglaban sa koprusyon, at nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng iba’t ibang bansa ng daigdig, para lalo pang pasulungin ang kampanya kontra-korupsyon.
Ito ang kauna-unahang espesyal na pulong kontra-korupsyon ng Pangkalahatang Asembleya ng UN.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio